Wikang Filipino Daan sa Kaunlaran ni G. Ricky M. dela Cruz Hindi maikakailang kakambal ng kultura at tradisyon ng isang bansa ang wikang nalinang. Ang wika tulad ng kultura ang siyang umuukit upang magkaroon ng ganap na pagkakakilanlan at identidad ng isang lahi. Dito sa ating bansa ay malaki ang naging ambag ng wika sa pagsasalin ng karunungan di lamang sa panitikan kundi lalo't higit ang kultura at iba pang aspeto na may kaugnay sa mga bagay na masasabing tatak ng pagka-Pilipino. Ang wika sa madaling sabi ang naging tulay upang maipasa ang kalinangan ng nakaraan sa makabagong henerasyon. Maituturing nga na ang mga nagdaang administrasyon sa pamahalan ng ating bansa ay hindi kailanman nagkulang na magpakita ng pagpapahalaga sa ambag at gamit ng wika. Una sa listahan ang dating Pangulong Mauel L. Quezon na nanguna sa pagbuo ng batas upang magkaroon ng Surian ng Wikang Pambansa na layon ay makapili ng isang wikang ituturing na pambansa at gagamitin na opisyal na midy...