Wikang Filipino Daan sa Kaunlaran
ni G. Ricky M. dela Cruz
Hindi maikakailang kakambal ng kultura at tradisyon ng isang bansa ang wikang nalinang. Ang wika tulad ng kultura ang siyang umuukit upang magkaroon ng ganap na pagkakakilanlan at identidad ng isang lahi. Dito sa ating bansa ay malaki ang naging ambag ng wika sa pagsasalin ng karunungan di lamang sa panitikan kundi lalo't higit ang kultura at iba pang aspeto na may kaugnay sa mga bagay na masasabing tatak ng pagka-Pilipino. Ang wika sa madaling sabi ang naging tulay upang maipasa ang kalinangan ng nakaraan sa makabagong henerasyon.
Maituturing nga na ang mga nagdaang administrasyon sa pamahalan ng ating bansa ay hindi kailanman nagkulang na magpakita ng pagpapahalaga sa ambag at gamit ng wika. Una sa listahan ang dating Pangulong Mauel L. Quezon na nanguna sa pagbuo ng batas upang magkaroon ng Surian ng Wikang Pambansa na layon ay makapili ng isang wikang ituturing na pambansa at gagamitin na opisyal na midyum ng talasatasan sa buong kapuluan. Napili ang Wikang Tagalog bilang pambansang wika sa panahong iyon at ito ay ginamit sa mga pormal na pagpupulong na sagot naman sa di pagkakaunawan ng mga delegado ng pamahalaan buhat sa iba't ibang panig ng bansa. Sinundan ito ng makabansang pangulo na si Ramon Magsaysay na nagnais na ipagdiwang ang Linggo ng Wika at gamitin ang Wikang Pilipino sa lahat ng mga opisyal na transakyon sa pamahalaan at pagsasalin ng lahat ng dokumento at pangalan ng mga tanggapan mula Ingles patungong wikang Pilipino. Sa panahong ito, napatunayang mas mabilis na nagkakaunawaan ang bawat Pilipino at nagkaroon ng pagkakaisa ang samabayanan. Sa panahon naman ni dating Pangulong Cory Aquino at sa pagkakabuo ng Saligang Batas ng 1987, mas pinaigting ang ipinakitang pagpapahalaga sa wikang pambansa sapagkat Itinagubilin ng umiiral na saligang batas na ang Filipino ay itinuturing na pangunahing wika sa buong kapuluan at inaasahang gagamitin ng lahat ng mga Pilipino. Kaugnay sa itinakda ng batas sinasabi dito na "habang nililinang ang Filipino ay dapat itong payabungin at pagyamanin nang nakasalig sa mga katutubong salitang umiiral sa wikang Filipino at iba pang wika"
Samakatuwid, maliwanag na batid ng nagdaang pinuno ng ating bayan ang kahalagahan ng paggamit ng wika hindi lamang dahil ito ang sarili nating wika kundi ito ay susi ng pagkakaisa at pag-unlad ng ating bayan.
Pansumandali nating iwan ang Pilipinas at maglakbay tayo sa bansang Japan, China, Korea at UAE. ang mga nabanggit na bansang ito ay naging matayog sa kanilang narating na kaunlaran. at kanilang pinatunayan sa buong daigdig na hindi kailanman hadlang ang kanilang mga sariling wikang pambansa sa pagkamit ng kanilang inasam na kaunlaran. Ang Japan sa kanilang wikang Nihonggo ang China sa kanilang Mandarin, at maging ang UAE sa kanilang Arabic ay naghangad na tuwirang gamitin ang kani-kanilang sariling wika sa iba't ibang larang. sila'y hindi nagpasakop sa kolonyal na kaisipan na ang wikang Ingles ay dapat gamitin tungo sa pag-unlad. Ang pagiging First World Countries ng mga nasabing bansa ay tanda na ang wika ay daan ng kaunlaran, pagkakaisa at karunungan.
Magbalik tayo sa ating sinilangang bayan, kamakailan lamang ay nagpanukala si Representante Gloria Macapagal Arroyo na paigtingin ang paggamit ng wikang Ingles sa pagtuturo sa mga paaralan sa Pilipinas.( House Bill No. 311 "AN ACT TO STRENGHTEN AND ENHANCE THE USE OF ENGLISH AS THE MEDIUM OF INSTRUCTION IN PHILIPPINE SCHOOLS")
Ayon kay Representante Arroyo sa kanyang proposed bill: "It's ultimate objective is the improvement of learning process in schools to ensure quality outputs". Sa pahayag na ito ay tila pinabubulaan ni representante Arroyo na hindi kailanman magiging matagumpay ang wikang Filipino na magamit ito sa iba't ibang disiplina at maging daan ng karunungan at pag-unlad. Tahasan itong sinasalungat ng Komisyon ng Wikang Filipino at maging ng iba't ibang samahang pangwika sapagkat sa kasalukuyan ang mga nagungunang pamantasan ay matagal ng sinisimulan ang paggamit ng wikang Filipino sa pag-aaral ng iba't ibang larang.
Bilang pangkaraniwang mga Pilipino, ako, ikaw, tayong lahat ay may malaking gampanin na mapangalagaan ang dangal ng ating nakagisnang Wika. Nawa'y hindi masayang ang maraming taon ng pakikibaka ng ating mga ninuno upang tayo ay mapamanahan ng wikang minsang nagpatunay na tayo ay kayang pag-isahin. Ang wikang Filipino tulad ng Nihonngo, Mandarin, Ingles at Arabiko ay tunay na natatangi at may maipagmamalaki sa isa't isa. Hayaan nating ang wikang Filipino ang maghatid sa ating sa kaunlaran ng ating bayan at magsilbing simbolo ng ating pagkakakilanlan.
MABUHAY ANG WIKANG FILIPINO!
Mahusay na pagbibigay kaalaman sa mga mambabasa sa tunay na kahalagahan ng ating wika. Pagpapakita ng pagmamahal sa bayan gayundin sa kung anuman ang meron dito. Nagpupugay sa maraming Pilipino na nagmamahal sa pinakamahalagang yaman ng bansa, wika. Mabuhay ang tagapagtaguyod nito!! Mabuhay ka G. Ricky Dela Cruz ! Mabuhay ang bawat mamamayang Pilipino ba nagmamahal sa WIKANG FILIPINO!
TumugonBurahinTalaga nga namang may mga Pilipino pa ring patuloy na minamahal ang sariling wika, at lalo akong napabilib dahil sa nilalaman ng tekstong ito. Marahil ang ibang mga Pilipino ay mas gustong gumamit ng wikang Ingles ito'y dahil isa kang maykaya sa buhay kung ikaw ay diretsong nakakapagsalita ng wikang Ingles. Magandang babasahin ito na kapupulutan ng aral ng bawat isa. Mabuhay ka, G. Ricky! Mabuhay ang bayang sinilangan at ang wikang Filipino!
Burahin(Sa aspetong pasulat, mainam po ang pagkakabuo, may buong diwa at direct to the punto. Iwasan lamang ang pag-uulit na paggamit ng mga salita dahil nagiging redundunt. Sa aspeto ng nilalaman, mahusay. Ito ay mainam at magaan basahin. Masmainam kung ihahayag mo, ang pagkukulang mga Pilipino at kung ano ang solusyon para sa ating mga kapwa Pilipino. Ihayag natin kung paanong ang wika ay nagiging daan sa kaunlaran, ipakita natin kung paano tayo uunlad gamit ang wikang mayroon tayo. ) para sa akin, ito ay magandang simulain para sa kabataan, tandaan ang wikang filipino ay namumutawi sa dila ng isang PILIPINO, itakwil niya man o hindi ang ating wika. Darating sa puntong babalikan niya ito. Atin itong linabgin sa iba't ibang paraan para sa mga susunod pang henerasyon ..
TumugonBurahinNapakahusay, bilang isang kabataan kailangang maalala natin sa araw-araw ng ating pamumuhay na huwag nating kalilimutan ang ating wikang nakagisnan kahit saang bansa ka man mapunta. Ipagmalaki natin ang Wikang Filipino.
TumugonBurahinNararapat lamang na kilalanin, pahalagahan at payabungin ang ating sariling wika: ang wikang Filipino. Nakalulungkot lamang na sa panahon ngayon ay mas tinitingala na ng mga mamamayang Pilipino ang mga taong nakapagsasalita ng Ingles, nagiging basehan na ito ng estado sa buhay ng isang tao at naging sukatan ng lebel ng karunungan. Ang iba pa'y pinipilit gumamit ng Ingles upang maiangat lamang ang sarili sa mata ng maraming tao. Ngunit hindi baga nila naiisip na mas aangat ang tingin sa kanila ng ibang tao kung maninindigan silang magpatuloy na ipagmalaki at gamitin sa tama ang sariling wika?!. Kaya naman masasabi kong napakahusay ng tekstong ito sapagkat nagbibigay ito paalala sa mga mamamayang Pilipinong makababasa na ang wikang Filipino ay ang susi sa ating pag-unlad. Bagama't naniniwala at sumusunod na ang karamihan sa globalisasyon nararapat pa ring lumingon sa ating pinanggalingan. Ika nga ni Gat. Jose Rizal "Ang di marunong magmahal sa kanyang sariling wika ay mas masahol pa sa malansang isda". Maraming salamat sa sumulat ng tekstong ito, maituturing kang isang makabagong bayani! Halina't muli nating itaguyod ang pagmamahal sa wikang Filipino!
TumugonBurahinHudyat lamang ito para sa ating mga Pilipino na lalo pang pagyamanin sa mabuting paraan ang ating wika. Marapat lamang din na maging matatag at may paninindigan tayo sa ating mga sarili sa paggamit ng ating sariling wika, saang sulok man ng mundo tayo makarating katulad ng mga bansang nabanggit. Ako'y naniniwalang isa sa mga susi ng kaunlaran ang paggamit natin sa ating sariling wika. Ang wikang ito na ang ating kinagisnan nating mga Pilipino, 'wag tayong mahiyang ipangalandakan pa ang ating sariling wika, ang Wikang Filipino. Pagpalain ka nawa G. Ricky para sa artikulong ito. (Aeron Tuvera)
TumugonBurahinKahanga hanga ang artikulo na iyong ginawa Ginoong Ricky Dela cruz. Isa lang itong patunay na mahal mo ang Wikang meroon tayo na nais mong ipaalala sa lahat na kahit nasa modernong henerasyon na tayo laganap ang pag-aaral ng ibat ibang wika dahil sa mga kadahilanan na gusto nila duon na mag-trabaho dahil mas nakikita nila ang magandang oportunidad, ang iba naman ay gustong makapag-aral sa ibang bansa, ang iba gusto maglakbay sa ibang bansa sarit sari ang nga dahilan ng iba ngunit ang dapat nilang kailangan gawin ay manatili ang pagiging tapat sa ating sariling Wika, na dapat ito'y pagyamanin at pahalagahan. Nararapat nating bigyang respeto ang ating sariling Wika na sa matagal na panahon ito'y pinaglaban ng ating mga magigiting na lider nuon at dahil sakanila ito'y napagtagumpayan. Sana'y mahalin at pahalagahan natin ang ating Wikang Filipino. Dahil ako'y naniniwala na ang bansang pinapahalagahan ang sariling Wika ay mas mabilis mapapasakamay ang kalayaan at karunungang inaasam. Mabuhay ang Wikang Filipino!
TumugonBurahinDahil sa artikulong ito nabuhay ang aking pag ka pilipino nararapat talagang ating pagyabungin ang ating wikang atin itong gamitin na may paggalang at atin itong ipagmalaki saiba dahil hindi lamang ingles ang dapat na tinitingalang wika ngayon.Dahil sa panahon ngayon di na nabibigyang pansin ang ating wikang kinagisnan wikang ating unang nakilala at unang nagpakilala kung ano tayo.Dapat lamang na ang wikang filipino ay ating gamitin at ipagmalaki sa iba dahil ang pag gamit ng sariling wika ay siyang tunay na nagmamahal sa sariling bayan at sumasalamin sa sariling karunungan at gamitin ng may paninindigan.
TumugonBurahinDahil sa teksto na aking binasa,bilang isang kabataan nararapat lamang na mas humanga ako sa wikang aking kinagisnan kesa sa wikang ingles na pinagaralan ko lamang.Ang wikang filipino ay dapat lamang na pag yabungin at bigyang pansin ng nakakarami lalo na ang mga Pilipino na syang unang kumilala rito, ang wikang filipino rin ang syang nag bubuklod at nagpapagisa sa bansang ating pinaka mamahal.Kayat mararapat lamang na ating itong ipagmalaki sa iba at mahalin ng lubusan.
TumugonBurahinPara sa mga kagamitan ng mga silbo
TumugonBurahin